Thursday, February 7, 2008
Sa Isang Tasang Kape
Biyernes
Quirino, TAFT ave.
Makulimlim
Alaala na lamang siguro ang maiiwan mo kapag ikaw ay pumanaw na, Lahat ng mababasa ninyo sa likhang ito ay batay sa karanasan na isang tasang kape.
Para kay tom, nakuha nya to sa pangalan ng isang miyembro ng banda pero mas madalas na tawagin siyang "chom" mas kilala ko siya sa pangalang "CHOM". Tanda ko pa noon di siya mahilig sa kape hindi man lamang siya nagtimpla ng kape ang sabi niya mahirap pagsabayin ang sigarilyo at kape pareho raw masakit sa dibdib pero sige i-try nya raw mag-kape isang tasang kape ang huling nilaman niya sa kanyang sikmura, at pagkatapos noon matagal na hindi ko siya nakita.
Sabi ko baka may iba na siyang ginagawa, o baka` malayong malayo na siya. maari ring hindi pa kami magkita sa ngayon.
Naglalakad ako sa kahabaan ng taft avenue, nakita ko si "chom" naglalakd ganun pa rin ang gupit ng kanyang buhok, ganun pa rin ang anyo ng kanyang pananamit, walang nagbago maliban sa isang bagay, Umiinom na raw siya ng kape.......................
Hindi ko alam kung ako ang nagturo sa kanyang uminom ng kape bago ko pa man angkinin ang kredito sinabi niya na kape lang kasi ang pinakamabilis na magagawa mo at siyempre yun lang din ang hindi mawawala sa tinutuluyan niya kaya kapag walang wala nagkakape na lamang siya.
Di ko na tinangkang kuhanin ang cellphone number nya........
Taon din ang binilang ng may narinig akong balita sa kanya
Isang kainan na malapit sa tinutuluyan ko nuon ang nabalita ng mga tao sa paligid
May mga tao daw na nagka-komosyon doon
May mga Armadong sibilyan
May mga dinukot daw na kalalakihan
Siniguro ito ng ilang pagiimbestiga ng aming grupo
KASAMA raw si CHOM,
Maraming Taon na ang lumipas,
Siguro naririyan pa rin ang tasa ng kanyang kape subalit,,,,,, wala na si chom
Wala na siya,, wala ng katiyakan kung nasasaan siya, hindi sigurado na buhay pa siya
Ano kaya ang dinanas ni chom.
Ngunit isang bagay ang tiyak ako
Halimaw ang dumukot sa kanya
Maraming maraming Halimaw
Dahil Hanggang sa ngayon Wala pa rin si Chom........
Malamig na pala ang kape ko, Palagi kong naiiwan ang aking kape kaya kapag lumalamig na ito pinapalitan ko ng bago, Nagtitimpla muli ako ng isang tasang kape , Mainit, mabango, dahil sa bagong tasa ng kape madarama mo ang pagasang ipapayapa ka ng init at aroma nito meron kang dahilan upang ipagpatuloy ang paghigop ng kape,Dahilan upang muli mong isipin na magkepe muli sa sususnod....
DAHILAN UPANG NI KO MALIMOT SI CHOM
Dahilang tandang tanda ko ang kanyang mga sinabi sa akin
Maaring wala na siya
Ngunit naririto pa naman ang iba..
Tuesday, February 5, 2008
SHOUT!!!!!!!!
I tried not to close my eyes
Whenever am passing by
into the streets of my becomings
into the road from where i begun
I tried not to listen
and try not to spit even a single word from this mouth
whenever i see people staring at me with their expressive eyes
I tried not to lend my hand
and try not to move my body
whenever i hear people screaming out loud
I tried to hide
i tried almost everything just to erase this line of path
but even my brain neither my soul cannot hide from the fact
As the cross says fear on me
as the women said draw the line
as the children cries for their rights
as the man of our lives dissapears
and as our body start to bleed
I cant really hide
i cant close this eyes for it is my light
cannot be deaf nor sublime
I was not born just for being alone
I was here...
was there..
and will be forever existing
Untill we see the srtobing Red light!
KAIBUTURAN
Singhap ng Singahap ang panahon ng panghinagap
Wari mo`y batang naubusan ng lolipop
Pilit ikinukubli ang hapdi at Hirap
Sugat na naimpeksyon sa dumi ng yong pangarap
Pangarap mo`y kaluwalhatian ng iyong kaanak
Ang lahi mo`y animoy panginoon ng lahat
Ang bulsa mo`y puno ng lupa`t dagat
Nilamon mo ang para sa mahihirap
Isang Araw naghanda ka
Isang piging na hain mo ay mina
Mga minang sa dugo namin kinuha
Mga Laman ng aking ama`t ina
Sa Piging iyong Binulas
Wala na raw kalbaryong madaranas
Malinis na ang iyong kamay
Sa Dugo ng iyong mga pinatay
Tila binuhusan ng malamig na tubig
Ang damdaming kumukulo sa galit
Isang Araw na kabulaanan
kalawang na sa bakal ay uukok
at sa amin ay papatay
Isang babaeng ,matalas ang dila
Isang inang walang awa
Isang asawang Nangangalunya
Puspusin ka ng awa at gawa
ng mga,,,,batang inagawan mo ng diwa
Isang ataol ang alay ko sa yo
Isang libingang inihanda sa kamatayan mo
Ang araw ng iyong burol ay pista
Pista sa aming mga nawalan ng pag-asa
Tanghalin ang mga maralita
Ipagbunyi ang araw ng dalita
Ipunin ang lakas ng mga mamamayan
At hintayin ang araw ng singilan
Said na ang tubig sa batis ng karukhaan
Ubos na ang kanin sa kaldero ng kahinahunan
Ang tanging natitira na lamang
Ay ang tabak ng Kalayaan
Humawak ka ng anumang bagay
Na sa tingin mo`y makapaglilinlang
Upang sa kaniyang Puso ay itarak
At dugo nya`y idilig sa tinuyot nyang lupa
At pagsilabin,,ang mga puso at diwa
Mga Magsasaka
Mga Mangagagawa
Mga kabataan
Mga Babaeng nawalan ng dangal
Ihatid natin sa huling hantungan ang tanikala ng kaapihan
Ilibing ang mga kamay na sa ating pagkatao`y dumusta
Binusabos ang iilan at pinatay ang karamihan
Sandata ko`y ang talas ng aking isip at hinagap
At puso kong sa iyo lamang aking bayan.......
Tuesday, November 27, 2007
AVENIDA
It was a rainy night around 6pm. I am very tired and really exhausted because of the smoke from the vehicles, People are rushing as if there’s no tomorrow, buying things that they need and mostly buying Christmas decorations if you are familiar with the place called avenida you might want to imagine how crowded and how busy that street is.
"AVENIDA" it is a Spanish term for avenue this place is where we do our shopping for shoes, bags and so on,, because of the low prices almost sale everyday.
I will never forget this place there’s this time that I’ve been thinking of a gift for my mom and I really don’t have any money in my pocket I was grade three then, I know that I really need to have maybe a 100 pesos and so I started to save money from my daily allowance unfortunately my mom’s birthday is May, summer vacation that’s why am not getting any "baon" from my mom this is equals to no savings a day.
Late afternoon I escaped from my cousin ate susan who used to be our "bantay" (person who’s being paid for taking care of the children at home) also known as yaya.
I walked under the heat of the sun go through lazy streets it was "siyesta" hour in which almost everybody got to have their short sleep (power nap) I passed along doroteo jose and suddenly I found myself in the middle of avenida, near at quiapo church and just a little walk I found this stall selling fake earrings this earrings is made up of copper with a stone from (puwet ng baso). I was holding the earrings and thinking that my mom doesn’t have any earrings on, this will be a great gift for her but then I look into my pocket I got only 20 pesos I ask how much will it cost me and the old lady told me it is (tatlo isangdaan) 3 for 100 pesos, so if I will buy only one that would be 35 pesos, I asked her if I can buy it for 20 pesos only and she replied of course ( that was my ever first “tawad” ( asking for discount) ) then I went home.
That was May 15 1993 and my mom’s birthday is on May 18, 2 days more, I kept the earrings gift as a surprised, and my most awaited day comes, I wrapped my gift in an old manila paper and put it on the table that was a good spot because she always drinks her coffee there and then she saw my gift, on it is a card a mini card saying “happy b-day nanay” she opens it and she saw the pair of earring. She immediately put it on her ears and with her thick accent (Ilocano Accent) she told me “salamat ngayon lang ako nakatanggap ng unang hikaw na regalo sa berthday ko” I replied with a smile.
With this incident in my life I found a very humble place called “avenida” as a very good source of smile and fulfillment it doesn’t have to be very expensive and coming from a place which is fully air-conditioned and with a glass made shelves, u should only have one thing in mind “the sincerest motive ever”.
Tuesday, November 20, 2007
SARADO NA ANG MGA KARINDERYANG FILIPNA ANG PUTAHE!
Ang aking Lahok sa FILIPINA WRITING PROJECT
Ang tingin ng mga kanluranin sa mga Filipina ay natali lamang sa dalawa ang isa ay bayaran para maging asawa at ang isa naman ay bayaran para maging tagapagsilbi,sa totoo lang yan ang realidad at isang mis-konsepto sa ating mga Filipina, sa kabilang banda ang tunay na kahulugan ng isang Filipina ay ang pagiging mapagkalinga sa pamilya tulad na lamang ng aking ina si aling Delia siya na siguro ang isa sa pinakamalapit na huwarang Filipina na aking mailalarawan handang ialay ang kanyang buong panahon para sa kanyang mga anak ganyan ang tunay na Filipina, Isa pa si Gabriela Silang isa sa mga matatapang na Filipina ng ating kasaysayan hindi inalintana ang panganib at ang limitasyon ng kanyang pagkababae siya`y humawak ng sandata upang ipagtanggol ang ating laya laban sa mga mapagsamantala.
Heto na ang aking ambag sa mga Filipinang makatarungan at tapat, Bukas ang mga isip at hindi nagpapadaig sa liberal na mundo